Latest News

2 ‘tulak’ utas sa barilan

2 ‘tulak’ utas sa barilan

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) – February 27, 2020 – 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dalawang tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga otoridad habang 26 pa ang naaresto sa magkakahiwalay na drug buy-bust sa lalawigan ng Bulacan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, acting Bulacan Police Director ang dalawang napatay na pusher na sina Arjohn Irena at Carlo Sison, kapwa nasa hustong gulang at pawang nasa listahan ng Unified PNP/PDEA watch list.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maglatag ng buy-bust ang Drug Enforcement Unit ng San Jose del Monte City sa Brgy. Minuyan Proper. Nakahalata umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon sa bentahan ng droga. Dito na naglabas ng baril ang mga suspek at agad na pinaputukan ang buyer na mabilis na nakapagkubli kaya nagkaron ng palitan ng putok na ikinamatay ng dalawa. Narekober sa lugar ang 20 plastic sachet ng shabu, dalawang improvised shotgun o sumpak at buy-bust money.

Samantala, 26 na drug pusher ang naaresto sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation sa bayan ng Balagtas, Bocaue, Pulilan, Baliwag, Sta. Maria, Bulakan, Norzagaray at sa siyudad ng Meycauayan at Malolos. Nabawi sa mga suspek ang 54 plastic sachet ng shabu, buy-bust money at drug paraphernalia.

Read More

Show More

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker