Latest News

Misis napraning sa lockdown nagbasag ng santo, inaresto

Misis napraning sa lockdown nagbasag ng santo, inaresto

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) – March 19, 2020 – 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Humantong sa pagbabasag ng imahe ni Mama Mary ang pagkapraning ng isang 30-anyos na misis na iniwang naghihirap ng kanyang kinakasama sa gitna ng lockdown ng Luzon dahil sa bantang pagkalat ng COVID-19 sa loob ng munisipyo  ng Sta. Lucia, Ilocos Sur noong Martes.

Sa report ng pulisya, kinompronta ni Je­ne­veve Lucero, 30, tu­bong Surigao City si Leonora Menggoy ng DSWD Sta. Lucia dahil umano sa kawalan ng aksyon sa kanyang reklamo laban sa kinakasama na umano’y umabandona sa kanya ngayong inatasan na ng gobyernong manatili sa loob ng bahay ang mga mamamayan.

Dahil sa matinding galit na namuo sa dibdib ay parang bulkang sumabog ang ngitngit ni Lucero nang sungga­ban nito ang imahe ng santa sa tanggapan ng DSWD saka ibinagsak sa sahig at dinurog sa pamamagitan ng pagtapak sa harapan ni Menggoy at iba pang kawani.

Agad namang ina­resto ng nagrespondeng pulis si Lucero na dinala sa Sta. Lucia District Hospital para malaman ang kanyang kalagayan sa kalusugan kung mayroon siyang sintomas ng COVID-19  saka siya kinasuhan ng alarm and scandal.

Read More

Show More

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button

Adblock Detected

Please consider supporting us by disabling your ad blocker